gusto kong
umiyak
pero walang
luhang pumapatak.
gusto kong
sumigaw
pero wala na
rin namang magagawa.
gusto kong
magalit
pero para ano pa?
at bakit pa?
Ang hirap mag-panggap
na hindi ako nasasaktan.
Ang hirap isipin
na wala lang para
sa akin ang lahat.
Ang hirap gawin
na kalimutan ang
lahat-lahat.
No comments:
Post a Comment